Bakit nakakasira ng pag-aaral ang pagkakaibigan?
I.Panimula
Ano nga ba ang papel ng pagkakaibigan sa ating buhay? Ito ba nakabubuti o nakasasama sa atin minsan? Ang pagkakaibigan ay importante sa atin dahil dito nagsisimula ang lahat ng samahan at pagmamahalan. Ito ay mahalaga dahil ang iba sa ating mga ugali o kasanayan ay nakukuha natin sa ating mga kaibigan. Marami tayong nakukuha sa ating mga kaibigan na minsan ay nakakasama sa atin. Kung wala tayong mga kaibigan ay tiyak na hindi natin makakayang mabuhay sa mundong ito. Ang mga kaibigan ang tumutulong sa atin bukod sa ating pamilya. Kaya napakahalaga nila para sa isang tao.
Ang pagkakaibigan ay isang importanteng aspeto sa buhay ng isang tao. HIndi ito maaring mawala sa buhay nila. Dahil sinasabi nila na ang mga tao daw marunong makisama.Dito nila nakikilala ang mga taong makakatulong sa kanilang buhay. Dito rin nila nakukuha ang mga iba't-ibang ugali nila.Ang pagkakaibigan ay mayroong malaking papel sa buhay ng mga tao sapagkat ito ang tumutulong sa kanila kapag sila ay may problema at ito ren ang nakapagdadala ng kasiyahan sa iba. Dahil gaya nga ng kasabihan na "No man is an island" na ang ibig sabihin ay walang taong nabubuhay lamang para sa kanyang sarili o walang tao ang may kakayahan na buhay na magisa o walang tulong ng iba.
Ang mga kaibigan ay ang mga taong handang tumulong sa kanila kapag sila ay nangangailangan. Ngunit minsan ay may mga tao sila na nakikilala na akala nila ay kaibigan nila ngunit yun pala ay gagamitin lang sila. Minsan ang pagkakaibigan ay nakakasira sa kanilang buhay sapagkat kapag ang iyong mga kaibigan ay mabisyo o masama marahil ikaw ay mahawa sa kanila. Sapagkat hindi ka nila tatanggapin kung di ka nila kagaya.
Paglalahad ng Suliranin
Sa pag-aaral na ito ay sinuri kung bakit nakakasira ng pagkakaibigan ang pag-aaral.
Sa pag-aaral na ito ay sisikaping saguti ang mga sumusunod na katanungan:
1) Ano ang mga dahilan kung bakit nakakasira ng pagkakaibigan ang pagaaral?
2) Bakit hindi maiwasan ng mga tao na magkaron ng kaibigan na masama ang naidudulot sa kanila?
3) Bakit mas binibigyang halaga ng ibang tao ang pagkakaibigan kaysa sa kanilang pag-aaral?
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Isa sa pinaka-importanteng parte ng buhay ng isang tao ang pagkakaibigan kaya minarapat ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral ukol dito. Sa mga kaibigan nakukuha ng mga tao ang iba nilang kaugalian kaya nais ng mga mananaliksik na malaman ang papel o nagagawa nito sa pag-aaral ng mga tao.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong nang malaki sa mga estudyante upang sila ay malinawan sa tungkol sa pagkakaibigan. Makatutulong din ito sa mga taong upang matimbang nila kung mas mahalaga nga ba ang pagkakaibigan kaysa sa pag-aaral.
Batayang Konseptwal
Teoryang Moralistiko
Ang tao ay may kakayahang pumili ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsusuri kung bakit nakakasira ng pag-aaral ang pagkakaibigan. Tatakakayin sa pag-aaral na ito ang mga sitwasyon kung saan nakakasira ng pag-aaral ang pagkakaibigan.
Ang mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral na ito ay mga estudyante sa kolehiyo.