KAHULUGAN

Bakit ang pagaaral ay nakakasira sa pagbabarkada?

Nakuha naming ang ideyang ito mula sa isang sikat na linya na bakit ang pagbabarkada nakakasira sa pagaaral. Binaliktad namin ang sitwasyon dito para maiba-iba naman.
Bakit nga ba nakakasira sa pagbabarkada ang pagaaral? Unang-una sa lahat ang pagaaral ay nagiging sagabal sa mga plano ng isang barkada. Halimbawa may lakad kayo ng inyong barkada para
magsaya tulad ng pagpunta sa mall at iba pa ngunit ikaw ay may pagsusubok sa iyong “subject” bukas at kailangan mo magaral. Diba nasira na kaagad ang inyong plano sa araw na iyon dahil lamang sa pagaaral? Bibigyan pa kita ng isang halimbawa may sakit ang iyong ka-barkada at nasa ospital ngayon ngunit ikaw ay may exam bukas. Diba hindi ka makakapunta dahil doon, pinag-palit mo na kaagad ang iyong barkada para lamang sa pagaaral na yan.


Maraming pagkakataon na sinisira ng pagaaral ang pagbabarkada. Ito na ang isa sa naging pinakamalaking sagabal sa pag-babarkada dahil pinagpapalit mo ang sariling mong kaibigan dito at nagiging iwanan ka. Ang pagaaral din ang dahilan nagpagkakasira sa iba’t-iba pang relasyon sa buhay dahil sa pagaaral hindi na kayo gaano nakakalabas ng iyong “girlfriend” kaya kayo nagkahiwalay. Pagaaral din ang dahilan sa pagaaway ng isang barkada dahil hindi ka na nagkakaroon ng sapat na oras para sakanila dahil ikaw ay nagaaral.


Ang pagkakaibigan ay pagkakaroon ng isang samahan na parang kapamilya na rin ang turingan. Ito ay isang samahan kung saan nandiyan ang bawat isa upang suportahan ang kaibigan nila. Ang ating mga kaibigan ang tinatakbuhan natin sa oras na magkaroon ng gulo sa pamilya. Sila ang nagiging tagapayo at minsan ay nagiging tagapagtanggol pa. Sila ang ikalawa nating pamilya. Mga taong hindi magkakadugo subalit nagdadamayan. Subalit hindi lahat ng pagkakaibigan ay may mabuting naidudulot sapagkat may mga kaibigan na nagdadala sa atin sa kapahamakan. Madalas ay nangayari ang pagkakaroon ng mali o masamang pagkakaibigan kapag ang ibang tao ay nanggagamit ng iba para sa kanilang sariling kapakanan. Minsan naman ay nakakasama ito dahil naapektuhan ang ilang importanteng bagay sa buhay natin gaya ng pamilya at pagaaral. Nakakalimutan natin ang ating pamilya kapag mas inaatupag pa natin ang ating mga kabarkada samantalang maraming bagay na dapat ayusin sa pamilya. Hindi na natin sila iniintindi. Ang pagaaral naman ay naapektuhan kapag ang isang tao ay nabarkada sa mga taong may bisyo na minsan ay hindi na rin maiiwasan na di makisama sapagkat kelangan ito upang magkaroon tayo ng kaibigan.