Lagom At Konklusyon

Nakasisira nga ba ng pag-aaral ang pagkakaibigan? Iyan ang tanong na nais masagot ng pag-aaral na ito. Ang pagkakaibigan ay isang napakahalagang bagay sa ating buhay. Sila ang mga taong laging nandiyan sa tabi ninyo kapag kayo ay may problema.Ito ay hindi nabibili ng pera at nakukuha lang ito sa pakikisama. Walang bagay na makakapalit sa isang samahan o pagkakaibigan.Ngunit minsan ang pagkakaibigan ay nakasisira din sa ating pag-aaral sapagkat hindi sa lahat ng oras ay karapat dapat na unahin ang pagkakaibigan. Dumarating ang pagkakataon na  kailangan nating mas bigyang halaga ang iba pang bagay sa ating buhay.

 

Samakatuwid ang pagkakaibigan ay nakakasira ng pag-aaral kapag ito ay hindi na maganda. Kapag ang iyong mga kaibigan ay nanggagamit na lamang o pilit ka na lamang na iniimpluwensyahan ng mga masasamang bagay.

Mahalaga ang papel ng pagkakaibigan sa isang tao kaya dapat natin pagisipan o pagpilian ng mabuti kung kanino tayo makikisama upang hindi ito makasama  sa atin. Dapat natin maisip kung maganda ba ang naitutulong sa atin ng ating mga  kaibigan o baka naman hinahatak ka lang nila sa kapahamakan.