Mga Halimbawa

Unang halimbawa ay ang sitwasyong ito:

 

Kung ikaw ay  inaya ng mga kabarkada mo na lumabas ngunit kailangan mo mag-aral ano ang pipiliin mo?

 

Maaring piliin mo na mag-aral na lang ngunit maiisip mo rin na sasabihin ng iyong mga kasama na ekis ka o wala kang pakisama. Maiisip mo na baka hindi kana nila isama sa kanilang barkada kaya pipiliin mo na sumama na lang. Hindi ka nakapag-aral sapagkat inanyayahan ka nila.


 

Ikalawang Halimbawa:

Ang kawalan ng oras para sa mga kaibigan dahil ikaw ay nag-aaral. Hindi kana nakakasama sa kanilang barkada sapagkat ikaw ay nagiging abala sa iyong pag-aaral. Maaring magtampo ang iyong mga kasama dahil hindi kana nakapaglalaan ng panahon para sa kanila at ito ay maaring ikasira ng iyong pagkakaibigan

 

Ikatlong Halimbawa:

Kapag gumagawa kayo ng isang proyekto at nakasama ka sa mga barkada mo na mga tamad.
Maaring sasabihin nila sa iyo na ikaw na lang ang gumawa ng proyekto sapagkat wala silang maitutulong dito. Minsan din ay nagaaway ang mga magkakaibigan kapag di nagkasundo sa isang desisyon sa proyektong ginagawa. Maaring di magawa ang proyekto dahil sa pagtatalo ng mga magkakaibigan. Maiisip ng isa na tama siya dahil mas matalino siya ngunit maiinsulto ang isa kaya mag-aaway na ang mga ito
.