Pagsusuri,Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos

 

Ayon sa aming mga nakalap na datos ay may mga pagkakataon lamang na ang pagaaral ay nakakasira ng pag-aaral. Kapag ang isang samahan o barkadahan ay nagtuturo ng bisyo sa iba. Ito ay nakakasama na. Hindi sa lahat ng oras ay mabuti ang dulto ng pagkakaibigan sapagkat may ibang tao na nanggaganit lamang. Ayon sa pag-aaral na ginawa ay hindi maiiwasan ng mga tao ang mabarkada sa mga taong may bisyo o may di kagandahang ugali sapagkat kailangan nilang makisama upang maging "in". Mas gugustuhin pa ng iba na masama sa isang samahan na mayroon di magandang maidudulot sa kanila kaysa sila ay mag-isa. Di natin sila masisisi sapagkat talaga namang mahirap ang mag-isa. Kaya naisip nila na mas mabuting pang-isakripisyo ang kanilang pag-aaral kaysa sa pagkakaibigan.